PUSO, ANO KA?

BALIKAN ANG IBANG MGA TULA

PAG-IBIG        ISANG PUNUNGKAHOY        ANG BUHAY NG TAO        MANGGAGAWA        ANG TREN



PUSO, ANO KA?

Jose Corazon De Jesus

Ang puso ng tao ay isang batingaw,
sa palo ng hirap, umaalingawngaw
hihip lang ng hapis pinakadaramdam,
ngumt pag lagi nang nasanay, kung minsan,
nakapagsasaya kahit isang bangkay.


Ang puso ng tao’y parang isang relos,
atrasadong oras itong tinutumbok,
oratoryo’y hirap, minutero’y lungkot,
at luha ang tiktak na sasagot-sagot,
ngunit kung ang puso’y sanay sa himutok
kahit libinga’y may oras ng lugod.


Ang puso ay ost’ya ng tao sa dibdib
sa labi ng sala’y may alak ng tamis,
kapag sanay ka nang lagi sa hinagpis
nalalagok mo rin kahit anung pait,
at parang martilyo iyang bawat pintig
sa tapat ng ating dibdib na may sakit


Kung ano ang puso? Ba, sanlibrang laman
na dahil sa ugat ay gagalaw-galaw,
dahil sa pag-ibig ay parang batingaw,
dahil sa panata ay parang orasan,
at mukhang ost’ya rin ng kalulwang banal
sa loob ng dibdib ay doon nalagay.

~

ETIKA

Karamihan sa atin ngayon pag sinabing puso ay pag ibig ang kahulugan nito. Sa panahon ngayon maiuugnay natin ang tulang “puso, ano ka?” sa pang araw-araw na pamumuhay natin dahil palagi natin nararanasan ang pag ibig ng pamilya, kaibigan, at iba pang mahal sa buhay. Ngunit ang isa parte na tinutukoy din sa tula ay ang kasalungat ng masayang pag ibig. Ang tulang ito ay nagbibigay ng aral at kahulugan tungkol sa pag-ibig at maari rin kahalintulad sa pang araw - araw ng tao na suma saya at nasasaktan. Ngunit kailangan natin malaman at matutunan na parte ‘yon ng puso o pag ibig na kung saan ay siyang nagbibgay aral sa atin.

~

KAISIPAN

Ang kaisipan na ipinapahayag ng manunulat sa tulang ito ay kung ano ba talaga ang puso ng tao at pag ibig sa kaniyang pananaw. Mababasa sa tula na inihalintulad niya ang puso sa iba’t ibang mga bagay kagaya ng batingaw na sa isang palo ng hirap na ang kahulugan ay sakit, nagagawa nitong umalingawngaw o naghihinagpis. Relo, na mabagal na oras ang sinusundan, puso at luha’y sanay na sa hinain at pagdaramdam. Ostiya na mapait, na kahit anong hinagpis kapag nakasanayan na ay matitiis kahit na anong sakit o pagdaramdam. Martilyo na sa bawat ay hampas ay sakit sa puso ang kapalit.


~


MENSAHE

Ang mensahe ng tulang ito ay ang puso na madalas masaktan, na sobrang dalas masaktan ay naihalintulad na ito sa batingaw, relos at ostiya. Ngunit sa dahil sa paulit ulit na nasasaktan ang puso ay nasanay na ito sa sakit. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi maiiwasan ang masaktan dahil parte iyon ng puso at pagmamahal.



CYMON ASPA


Anong masasabi mo sa tulang ito?

Comments

Popular posts from this blog