ISANG PUNUNGKAHOY
ISANG PUNUNGKAHOY
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng
dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
At iyong isipin nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.
~
ETIKA
KAISIPAN
Ang tulang ito ay nakabase sa totoong karanasan ng tao na inihahalintulad ng may akda sa isang punong kahoy. Ito ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao na ang buhay ay isang proseso na mayroong pagkawala at pagkamatay na sa pagkawala ay sumisibol naman ang mga panibagong araw na nagmula din ang pataba at pang didilig sa taong pumanaw dahil sa kanyang mabuting paglaganap ng buhay. Ito rin ay nagpapakita ng pagtatagumpay ng isang tao upang mabigyang buhay ang mga nakapaligid na tumitingala sa kaniya.
~
MENSAHE
Ang menhase lamang ng tula na ito ay dapat huwag tayong mag isip ng mga bagay na ikakalungkot natin dahil hindi ito makakabuti sa pagbuo ng ating sarili. Sa pag iisip ng malulungkot na pangyayari ay pwedeng makagulo sa ating isipan o sa ginagawa natin sa pang araw-araw. Hanggat maaari ay iwasang mag isip ng negatibo upang hindi ito makadulot ng sama ng pakiramdam o lungkot sa ating sarili sapagkat hindi ito makakatulong sa pagtupad natin sa ating mga pangarap sa buhay.
Comments
Post a Comment