PAG-IBIG
BALIKAN ANG IBANG MGA TULA ANG BUHAY NG TAO ISANG PUNUNGKAHOY PUSO, ANO KA? MANGGAGAWA ANG TREN PAG-IBIG Jose Corazon De Jesus Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha! Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata. Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata, tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa. Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso; pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro. Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . . naglalaho, layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo. Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan, parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman. Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan, at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang. Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos, walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos. Ang pag-ibig na matapan...