SINTESIS
KABUUAN NG ANIM NA TULA
Si Jose Corazon de Jesus ay kilalang isang mahusay na makata. Ang bawat tulang kaniyang isinulat ay kapupulutan ng aral sa buhay, pag-ibig, at marami pang iba. Tunay na kahanga-hanga ang husay na kaniyang ipinamalas dahil hanggang sa kasalukuyan ay buhay pa rin ang kaniyang mga nilikha at nauugnay pa rin ang mga ito sa nangyayari sa panahon ngayon.
May natatagong kahulugan at magandang mensahe ang bawat tula na kaniyang nililikha na sumasalamin sa buhay na kaniyang naranasan at nakita. Ilan lamang sa mga sikat niyang tula na napagtatalakyan ay Ang Buhay ng Tao, Pag-ibig, Ang Tren, Puso, Ano ka?, Manggagawa, at Isang Punungkahoy. Magkakaiba ang mensaheng nilalahad ng bawat tulang nabanggit ngunit iisa ang nais ipahayag, ito ay pagmamahal o pag-ibig. Ang mga tula na ito ay binubuksan ang ating isipan at puso sa mga nangyayari sa ating paligid. Pinapaalalahanan at tunuturuan tayong maging kuntento sa kung ano ang mayroon tayo at pagiging mapagmahal, mapagkumbaba, mapagbigay, at mapagpatawad sa kapwa pati na rin sa sarili upang sa huli ay wala tayong pagsisihan. Ito ang ugnayan na ipinakita ng mga nasabing tula sa isa't isa.
Isa pang karagdagan, halos sa lahat ng tula na nabanggit ay makikita ito ngunit sa tula na Ang Buhay ng Tao,
Isang magandang inspirasyon at ehemplo ang mga tula na nilikha ni Jose Corazon de Jesus para sa lahat. Sa pamamagitan ng kaniyang mga tula ay may mga aral na matututunan ang mga mambabasa na maisasabuhay nila. Katulad na lamang ng pagmamahal ng lubos sa sarili at sa kapwa, pagiging mapagbigay, marunong lumingon sa kaniyang pinanggalingan at marami pang aral na lubos ipinagpapasalamat ng taumbayan kay Jose Corazon de Jesus.
~
KAITHEA CASTOR
Comments
Post a Comment